(NI BETH JULIAN)
UPANG manatili ang pagkakaroon ng check and balance, hindi pinaplano ng Malacanang na hikayatin ang oposisyon sa Senado na umanib sa majority bloc.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, mas makabubuting manatili ang oposisyon sa kabilang bakod para maging mas buhay ang demokrasya.
“Kung mananatili ang set-up ng Senado na mayroong oposisyon mas mainam para may check and balance ang lahat ng aksiyon,” wika ni Panelo.
Nananatiling miyembro ng minority bloc sa kasalukuyan sina Senators Riza Hontiveros, Leila de Lima, Franklin Drilon, Kiko Pangilinan at Ralph Recto.
Sa katatapos na halalan, mayorya sa mga kaalyadong senador ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pumasok sa 12 pwesto sa Senado.
146