MMDA KINASTIGO SA P118-B PONDO SA FLOOD CONTROL PROJECTS

(NI NOEL ABUEL)

KINASTIGO ni Senador Bong Revilla ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa hindi paggamit sa P118B pondo na inilaan para sa flood control projects sa bansa na tinukoy ng Commission on Audit (COA).

Sa pagdinig ng Senate Hearing on Public Works Wednesday, hindi pinalampas ni Revilla na sitahin ang MMDA dahil sa hindi paggamit sa nasabing pondo sa kabila ng mga kinakaharap na suliranin ng bansa sa baha.

Sa kanyang inihaing Senate Resolution no. 69 nais nitong pakilusin ang Senate committees on public services and finance na imbestigahan ang hindi paggamit ng nasabing ahensya sa pondo para sa flood control projects na malaking tulong sana para masolusyunan ang mga pagbaha na nararanasan ng maraming pamilya tuwing panahon ng tag-ulan.

Pinakilos din ni Revilla ang Department of Budget and Management (DBM) para maglabas ng pag-aaral at plano hinggil sa isyu na kinasasangkutan ng MMDA.

Hiningi rin ni Revilla ang panig ng mga dumalong opisyal ng Department of Budget and Management (DBM)  kung ano ang kanilang tayo o plan of action hinggil sa isyu na kinasasangkutan ng MMDA.

Giit nito, sa 2018 Annual Audit Report ng COA ay isinasaad na ang ginamit ng MMDA na pondo nito sa 170 flood control projects ay nagkakahalaga ng P878, 570.322.86.

Subalit, dahil sa kabiguan umano ng MMDA sa itinatakda ng Government Procurement Law at palpak na pagpaplano ng ahensya, nagamit lamang nito ang P4,257,138,089.70 o ang 59.12 porsiyento mula sa P7,201,019,579.00 ang nagastos.

“Mabuti nga at naobserbahan ng COA na may problema ang MMDA sa paggasta ng kanilang pondo at nagsagawa ng rekomendasyon, kaya dapat maaksiyonan ito,” pahayag pa ni Revilla.

 

192

Related posts

Leave a Comment