(NI LYSSA VILLAROMAN)
NAGHAIN ng cyber libel si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) spokesperson Celine Pialago sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group laban sa dalawang social media accounts sa pagkakalat ng malisyosong posts kasama ang kanyang litrato.
Ayon kay Pialago gusto niya na maparusahan ang mga administrator ng Pinoy Laugh Page at ang Twitter account ng Barurot News sa pagkakalat ng “fake news”.
“Kahapon po alas tres ng hapon, a Facebook friend tagged me on a post of this particular Facebook page. Ang laman po noon, ‘MMDA to commuters: Kung wala kayong masakyan, huwag na lang kayo magtrabaho…’ Something like that,” pahayag ni Pialago ng ipadala ito sa kanya ng isang kaibigan noong Martes.
Sinabi ni Pialago na siya ay naalarma dahil wala namang sinabi ang kanilang ahensya at maging sa kanyang personal messages sa mga commuters na huwag silang magtrabaho kung wala silang masakyan.
Ayon pa rito, na i-save nila ang ibang screen shots ng posts subalit ang mga ito ay burado na.
“Burado na ho ‘yung nasabing content pero nakapag-save ho kami ng screenshots… Hinahabol ko pa rin ‘yung administrators ng content,” ayon kay Pialago.
Samantala ayon kay Police Colonel Ramon Gamboa, hepe ng cyber response unit, nangako ito na kanilang iimbestigahan ang naturang insidente.
Sinabi nito na ang mga naturang social media accounts ay mga fictitious.
“‘Yung mga identity ng tao dito, naka-hide so ‘yun ‘yung ating iniimbestigahan ngayon, kung sino ‘yung administrator,” sabi ni Gamboa.
Inamin din nito na matatagalan din sila para malaman ang identity ng mga nasabing accounts at sila ay makikipag-ugnayan rin sa Facebook.
225