MOCHA COVERED NG 1-YEAR APPOINTMENT BAN — GAITE

(NI ABBY MENDOZA)

MALI na italaga ng Malacanang si Mocha Uson sa bagong posisyon dahil sakop pa ito ng appointment ban.

Ito ang pagsita ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite matapos italaga ngayong Lunes ni Pangulong Rodrigo Duterte si Uson bilang Deputy Executive Director ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ayon kay Gaite, malinaw na nakasaad sa Section 6 Article 9 ng 1897 Constitution na walang kandidato na natalo ang maaaring ipuwesto sa anumang government position isang taon matapos ang eleksyon.

Ganito rin umano ang nakasaad sa Local Government Code, partikular sa Section 94.

Sakop umano ng ban si Uson kahit pa man partylist nominee ang itinakbo nito noong 2019 midterm election.

“This Constitutional prohibition is applicable to party-list nominees and Mocha Uson being the first nominee of AA KASOSYO Partylist, and who participated in the 2019 Party-list elections, is covered by the 1-year ban. So her appointment as the Deputy Administrator of Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) is illegal and should not be enforced,” giit ni Gaite.

Umaasa ang mambabatas na susundin ng Malacanang ang nakasaad sa batas ukol sa appointment ban at hindi pauupuin si Uson.

 

151

Related posts

Leave a Comment