(PHOTO BY JUN SUMAWAY)
ISINAWAGA ng Commission on Elections (Comelec) ang mock elections, Sabado ng umaga, sa 60 lugar sa buong bansa bilang paghahanda sa May 2019 polls.
Nilalayon nito na ayusin ang iba pang security features, pagtatama at nang hindi pumalpak ang automated electoral system.
Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na ang mock elections ay ginawa sa 69 lugar tulad ng Quezon City, Manila, Pasig, Taguig, Pateros, Valenzuela, Muntinlupa, Pangasinan, Cagayan, Sorsogon, Camarines Sur, Cebu, Bohol, Zamboanga del Norte, Davao del Sur, South Cotabato, Sulu, at Basilan.
Gumamit din ng 90 vote counting machine sa mock elections.
Ito ay nagsilbing pilot testing para sa Voter Registration Verification System (VRVS) sa tatlong barangay sa National Capital Region: Barangay Pinagbuhatan sa Pasig City, Barangay Bahay Toro sa Quezon City, at Barangay 669 sa Maynila.
Nagsimula ang mock elections ng alas-6 ng umaga at nagsara ng alas-12 ng tanghali habang ang tatlong barangay na lumahok ay natapos ng ala-1 ng hapon.
254