MODULAR TESTING LAB PARA SA COVID-19, BINUKSAN

BINUKSAN na ang COVID-19 modular testing laboratory sa loob ng Veterans Memorial Medical Center compound sa Quezon City ngayong patuloy na lumolobo ang bilang ng mga taong infected ng coronavirus.

Target ng nilikhang modular o gawa sa isang container van na laboratoryo na 21 araw ipinatayo, na makatulong sa pagtugon sa lumolobong backlog sa bilang ng COVID-19 testing.

Dumaan sa training at proficiency exams ang mga health worker ng VMMC na gagamit nito na haharap at susuri sa mga frontliner, senior citizens at maging sa mga residente ng Quezon City.

“Malaking gamit po ito kasi additional 300-400. Alam po natin na nagkakaroon na tayo ng expanded testing. Malaking makikinabang po dito ay seniors, uniformed soldiers, at mga taga-Quezon City,” ayon kay COVID-19 task force chief implementer Carlito Galvez Jr.

Aabot sa 300 COVID-19 PCR tests ang maaaring gawin dito sa loob ng isang araw at kayang maglabas ng resulta sa loob ng isa hanggang tatlong araw.

Ang COVID-19 PCR tests ang maituturing na gold standard pagdating sa pagsusuri kung may COVID-19 ang isang pasyente.

Inihayag pa ni Sec. Galvez na posibleng sa susunod na linggo ay magagamit na ang laboratoryo oras na pagkalooban ng license to operate ng Department of Health.

Samantala, sa pamamagitan ng United States, katuwang ang Armed Forces Research Institute of Medical Sciences (AFRIMS) ay nagsagawa ng 2-week molecular biology training para mapalakas ang COVID-19 testing capabilities ng mga medical technologist ng Pilipinas.

Simula Hunyo 1 hanggang Hunyo 12, ang U.S. Department of Defense at Philippines-AFRIMS Virology Research Unit (PAVRU) ay sinanay ang apat na medical laboratory technologists sa Victoriano Luna Medical Center, katuwang ang military medical facility on biosafety, biosecurity, respiratory sample processing and storage, at COVID-19 testing techniques. JESSE KABEL

199

Related posts

Leave a Comment