MORE nagkasa ng imbestigasyon SABOTAHE LUMUTANG SA ILOILO CITY BROWNOUT

KURYENTE-2

LUMAKAS ang ispekulasyon na pananabotahe ang dahilan ng naranasang magkakasunod na power interruption noong Sabado, June 20, sa Iloilo City matapos na rin lumitaw na nagkaroon ng misteryosong magkakasabay na loose connections sa Feeder 4 network ng Mandurriao Sub Station na nagresulta sa hindi inaasahang brownout.

Sa isang statement, sinabi ng More Electric and Power Corp (MORE Power) na kanila nang iniimbestigahan ang nangyaring power interruption ngunit hindi nila isinasantabi na sabotahe ang nangyari lalo kung pagbabatayan ang nakababahalang isinumiteng report ng Power Response Team(PRT) na rumesponde sa insidente.

Ayon kay More Power Spokesperson Jonathan Cabrera, unang nakatanggap ang PRT ng report na nagkaroon ng loose connections sa kahabaan ng Q. Abeto Street, Mandurriao na naging dahilan ng pag-trip off ng Mandurriao Feeder 4, agad umano itong naisaayos kaya naibalik ang supply ng kuryente.

Hindi pa man umano nagtatagal ay muling nagtrip ang iba pang mga koneksyon na hindi maituturing na normal na pangyayari, ayon sa PRT nagkaroon ng detached primary line sa pin insulator malapit sa J7 Hotel; nagkaroon ng overheated connector sa The Mango Tree Restaurant; damaged suspension insulator sa kahabaan ng Oñate De Leon Street; damaged primary line conductor malapit sa Chicken Sari-Sari at damaged suspension insulator at primary jumper/dropping wire malapit sa McDonald’s Megaworld.

Nakaranas din ng pagpapatay-sindi ang supply ng kuryente na indikasyon na may nangyayaring pag-atake sa electrical system.

“We are not discounting the possibility that there are individuals or groups who are out to discredit MORE Power with the series and the pattern of “mysterious trip offs” and related incidents have been a recurring problem since we took over the power distribution in the City of Iloilo,”pahayag ni Cabrera kung saan inamin nito na ilang dating line personnel ng Panay Electric Company (PECO) na ngayon ay nagtatrabaho na sa MORE Power ang nagsabing maging sila ay nahihiwagaan sa insidente dahil hindi umano nangyayari na sabay-sabay nagkakaroon ng loose connections.

Isa pa sa nagpalakas ng ebidensya na sabotahe ang nangyari ay ang kapansin-pansin umano na ang mga naapektuhan ng brownout ay ang lugar kung saan naninirahan si Iloilo City Mayor Jerry Treñas na matatandaang nanguna sa paghingi ng saklolo sa Kongreso para maisaayos ang power service sa lungsod.

Sinabi ni Cabrera na kanila ring tinitignan na sanhi ng biglaang brownout ay ang posibilidad na tuluyan nang bumigay ang mga power line connections dala na rin ng sobrang kalumaan nito, ani Cabrera, bagamat marami nang mga lumang poste at mga sira-sirang linya ng kuryente ang kanilang napalitan.

Kasabay nito, humingi ng paumanhin ang MORE Power sa mga consumer na naapektuhan ng power trip off, tiniyak nito na kanilang sisilipin ang puno’t dulo ng insidente.

“We hope you will accept our sincere apologies for the inconvenience you’ve experienced due to this incident. We know how it is important at this time of the pandemic to have a stable power supply and this failure to better serve you was a frustration to us all. Thank you for your patience and your faith in us to arrest this problem while we enlisted the help of several additional specialists to take appropriate action and serve you better and more efficiently. Again, our sincere apologies,” nakasaad sa statement ng MORE Power.

Samantala, ilang power consumer din sa Iloilo City ang naniniwala na sinadya ang trip off ng linya ng kuryente.

“Thanks, More!! Though, last night was such a big inconvenience for everyone. Let’s try to understand MORE because they did their best to resolve the issues as soon as possible.
Naniniwala rin ang netizen na si Niño Besquillo Saul na may posibilidad ng pananabotahe na nangyari.

“Let us understand that MORE is doing everything they can to improve our power in Iloilo. From the supply to their customer service Give MORE a chance. Who knows, kasi may pagsasabotahe, di ba?” giit pa nito.

142

Related posts

Leave a Comment