‘MOST ADVANCED WARSHIP’ NG PINAS DUMATING NA

MASAYANG ibinalita ng Malakanyang ang pagdating sa bansa ng BRP Jose Rizal.

Ito ang first-ever guided-missile frigate ng Pilipinas.

Ang pagdating sa bansa ng ‘most advanced warship’ sa ilalim ng administrasyong Duterte ay isang malaking patunay na tinupad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang pangako na isulong ang modernisasyon sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

“This forms part of the national leadership’s initiative to enhance the country’s defense capabilities to secure our seas against current threats,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Binigyang diin ni Sec. Roque na kinukonsidera nila ito bilang isang malaking breakthrough sa transformation journey ng Philippine Navy sa layuning magtatag ng malakas at kapani-paniwalang maritime force.

Sa ulat, dumaong sa Subic, Zambales ang barko matapos ang limang araw na paglalayag mula sa shipyard ng Ulsan, South Korea.

Binili ng Pilipinas sa South Korea ang barko sa halagang P8 bilyon.

Nabatid na ang BRP Jose Rizal ay may missiles, torpedoes, at iba pang weapon systems.

May kakayahan ang 107-meter long vessel na anti-surface, anti-air, anti-submarine, at electronic warfare at may maximum speed na 25 knots. CHRISTIAN DALE

137

Related posts

Leave a Comment