Motorcade ilalarga sa Dec. 8 UNITEAM SA QC, PINAIKOT NI BELMONTE – DEFENSOR

(BERNARD TAGUINOD)

SA halip magtipon-tipon sa Liwasang Aurora sa Quezon City sa Disyembre 8, magdaraos na lamang ng motorcade ang BBM-Sara UniTeam dahil pinaiikot lamang umano sila ni Mayor Joy Belmonte.

Kinumpirma ni Quezon City mayoralty candidate Mike Defensor na inabandona na nila ang planong magsagawa ng malakihang gathering para sa tambalan nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte.

Ayon kay Defensor na kinatawan ng Anakalusugan party-list sa Kamara, magsasagawa na lamang ang mga ito ng motorcade sa lungsod sa December 8, 2021.

“We’ve abandoned our plans to hold a large gathering in Liwasang Aurora because Mayor Joy Belmonte’s office gave us the runaround and offered us no assurance that we will be able to use the venue, despite its availability,” ani Defensor.

Magugunita na nag-apply si Defensor para sa BBM-SARA gathering sa Liwasang Aurora na nasa loob ng Quezon Memorial Circle subalit sinabi umano ni Belmonte na hindi ipinagagamit ang nasabing lugar para sa political gatherings.

Gayunpaman, sinabi ni Defensor na noong 2016 ay ginamit ng Liberal party ang nasabing lugar para sa political rally nina dating Sen. Mar Roxas at Vice President Leni Robredo na dinaluhan din ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

“We feel that Bongbong and Inday Sara have been treated unfairly and have become victims of political discrimination by the Quezon City government. In fact, many of their supporters in Quezon City are angry at the local government,” ani Defensor.

HCWs ilibre
sa number coding

Samantala, kahapon ay hiniling din ni Defensor sa Metro Manila Development Authority (MMDA) na ilibre sa number coding ang mga medical professional at iba pang health personnel.

“They should be exempted from this vehicle volume reduction scheme to allow them to do their job especially in case of emergencies,” ayon sa mambabatas lalo na’t hindi pa tapos ang pandemya sa COVID-19.

Simula nitong Miyerkoles ay ibinalik ang number coding mula alas-singko ng hapon hanggang alas-otso ng gabi upang maibsan ang matinding pagsisikip ng trapiko.

Ayon kay Defensor, masasagasaan ang mga healthcare worker na pauwi o papasok sa mga nasabing oras.

Iminungkahi rin ni Defensor na huwag pag-aplayin ng exemption ang HCWs para malibre ang mga ito sa number coding. Karaniwan aniyang pinag-aaplay pa ang mga humihingi ng exemption para mabigyan ng ID.

Sa halip, idisplay na lang ng HCWs ang kanilang Professional Regulation Commission license o hospital-health facility ID para huwag nang abalahin ang mga ito ng mga traffic enforcer.

2

Related posts

Leave a Comment