MR ISASAMPA SA SC KONTRA RECLAMATION

0

MAGSASAMPA ng Motion for Reconsideration (MR) sa Supreme Court (SC) si Senator Cynthia Villar dahil sa pagbibigay nito ng “go-signal” na i-reclaim ang lugar ng Manila Bay sa Las Piñas at Parañaque kasabay ng apela sa High Court na magkaroon ng iba at “fresh appreciation” sa environmental impact assessment (EIA) rules.

Patuloy na pinaninindigan ni Villar na magdudulot ng malawakang pagbaha ang anomang reclamation project sa mga nasabing lugar dahil mahaharang nito ang daloy ng tubig mula sa anim na ilog sa Manila Bay. Ang mga ito ay ang: 1. Imus River sa Imus City, 2.Bacoor River sa Bacoor City 3. Molino River sa Bacoor City 4. Zapote River na nasa Bacoor Las Piñas cities 5. Las Pinas River sa Las Piñas City at 6.Parañaque River sa Paranaque City.

Sa katunayan, ang pinsala sa Imus River ang naging sanhi ng kaso ni Atty. Antonio Oposa- ang Ramon Magsaysay Awardee for Environmental Law. Dahil dito, nagpalabas ang SC ng Mandamus sa Manila Bay.

Sa pagkilala sa unang taon ng “UN Decade for Ecological Restoration,” nanawagan ang senador sa court magistrates na muling bisitahin ang kanilang ruling na pabor sa panukalang proyekto ng Alltech Contractors na i-develop ng ilang ektarya ng lupa sa Las Piñas at Parañaque na parehong nasa baybayin ng Manila Bay.

“This and the Declaration by Congress of the existence of a Climate Crisis, and the two reports of the Nobel-Laureate group Intergovernmental Panel on Climate Change, have long since rendered any decisions of the DENR made in 2012 irrelevant,” giit ni Villar.

“With due respect”, sinabi ni Villar na maaari ring bigyan ng SC ng judicial notice ang Expanded National Integrated Protected Areas System (E NIPAS) Act o RA 11038 na nasaibatas noong 2018.

“This legislated the now renamed Las Piñas Parañaque Wetland Park (formerly LPPCHEA) into a protected area,” ani Villar, na binigyang diin din na nakasama ito sa “Ramsar Convention list of Wetlands of International Importance”.

Sinabi rin niya na ikinokonsidera ng DENR ang lawak ng buffer zone na kailangan sa conservation.

“The DENR’s procedures on EIA should take into consideration all these 94 newly established Protected Areas (PAs),” ayon kay Villar, chairperson ng Senate Environmental Committee.”

Kamakailan lamang, kinatigan ng SC ang Court of Appeals (CA) decision na nagbasura sa petition para sa Writ of Kalikasan na inihain ni Villar at 315,000 petitioners upang ipatigil ang reclamation na kalapit ng international important wetland.

Ayon kay Villar, nag-isyu ang SC ng desisyon, walong taon matapos ibasura ng CA ang kanyang petition na ihinto ang anomang reclamation project sa lugar.

Binigyan diin din niya na ang desisyon ng DENR na payagan ang reclamation ay nasapawan na ng maraming pag-aaral, scientific at valuation findings na karamihan ay wala sa case file. (ESTONG REYES)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment