MTRCB SINITA SA ‘SEX SCENE’ SA LOS BASTARDOS

(NI BERNARD TAGUINOD)

SINITA ng isang religious leader sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil nakalulusot umano sa ahensya ang mga sex scenes sa Los Bastardos ng ABS-CBN.

Sa  interpelasyon ni House Minority Floor Leader Benny  Abante sa budget ng MTRCB na nagkakahalaga ng  P38.838 million sa 2020, kinastigo nito ang nasabing ahensya dahil nakalulusot umano sa mga ito ang mga palabas na hindi dapat ipalabas.

“Bakit nakalualusot sa MTRCB na may trending topic. Top seven sex scenes sa Los Bastardos na nakalusot sa MTRCB,” paninita ni Abante, Bishop ng the Metropolitan Bible Baptist Church and Ministries sa MTRCB.

Ayon sa mambabatas, hindi dapat payagan ng ahensya ang ganitong uri ng palabas na pinag-uusapan pa sa social media ang mga sex scenes lalo na’t ipinapalabas ito sa hapon kung saan nakauwi na ang mga bata galing ng eskuwelahan.

Naghihintay ng paliwanag si Abante sa MTRCB na pinamumunuan ni Rachel Arenas ukol dito dahil hindi anya katanggap-tanggap na nagpapabaya ang mga ito sa kanilang tungkulin na protektahan ang mga manonood sa mga malalaswang eksena sa mga TV program.

Maging ang Netflix kung saan marami umanong palabas na Rated-R ay pinapatingnan din ng kongresista sa MTRCB upang maprotektahan aniya ang mga kabataan.

Usong-uso ngayon ang mga television series sa Netflix na kinalolokohan ngayon ng marami kasama na ang mga bata kaya nararapat lamang na bantayan ang mga palabas dito at huwag payagan ang mga malalaswang eksena.

 

246

Related posts

Leave a Comment