Mula nang ikasa ang vaccine rollout NABAKUNAHANG PINOY NASA 29K NA

0

TINATAYANG mahigit na sa 29,000 Pilipino ang nabakunahan laban sa COVID-19 simula nang sumipa ang inoculation program ng pamahalaan noong Marso 1.

Tinukoy ang Department of Health data, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na may 29,266 indibidwal na ang nakatanggap ng first dose ng bakuna “as of March 7.”

Nakapagpadala na ang pamahalaan ng 383,980 doses ng bakuna na dinevelop ng Chinese firm Sinovac at British-Swedish pharmaceutical company AstraZeneca sa mga ospital at medical facilities sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Inaprubahan naman ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization (EUA) para sa tatlong bakuna gaya ng Pfizer-BioNTech, AstraZeneza at Sinovac.

Ang tatlong bakuna ay kailangan magbigay ng dalawang doses.

Sa ngayon, ang Pilipinas ay mayroong 1.1 million doses ng COVID-19 vaccines — 600,000 doses ng Sinovac vaccine na donasyon ng China at 525,600 doses ng AstraZeneca mula sa COVAX facility.

Layon ng Pilipinas na mabakunahan ang 70 milyong Pilipino ngayong taon. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment