(NI ABBY MENDOZA)
IPINASISIGURO ni PBA Party-list Rep. Jericho Nograles sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at sa Philippine Competition Commission (PCC) na hindi ipapasa ng Grab sa driver partners nito ang kanilang financial obligations.
Ayon kay Nograles, ang multang P23 milyon na ipinataw ng PCC sa Grab, kabilang dito ang P18.4M direct fine at P5 milyon refund dahil sa overcharging sa riders ay dapat solong karguhin ng pamunuan ng Grab.
Ani Nograles, libu-libong Grab drivers ang nagbabayad pa ng amortization ng kanilang mga sasakyan at nagrereklamo rin sa mahinang kita dahil sa sobrang traffic sa Metro Manila habang may ilan ay 24-oras nang bumibiyahe para makaabot sa komisyon subalit hayahay lamang ang pamunuan ng Grab na siyang malaki ang kinikita.
“We thank the LTFRB and PCC for being the watchdogs, bantay ng bayan. However, the fight is not over yet. The LTFRB and the PCC should strictly monitor Grab’s compliance because there is a big possibility that it would pass on the burden to its drivers. We should not allow this to happen,” giit ni Nograles.
Humihingi rin ng update ang mambabatas sa LTFRB at PCC kung nabayaran na ng Grab ang mga naunang multa.
Matatandaan na noong 2018 ay pinatawan ng P10M multa at ipinababalik ito sa mga customers ng Grab matapos lumitaw na nagkaroon ng overcharging ang ride-hailing firm.
152