MWSS, MAYNILAD, MANILA WATER, PINAGMUMULTA NG P2-B

MAYNILAD-MANILA WATER CO2

INATASAN ng Supreme Court ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at dalawang water concessionaires na magmulta ng aabot sa P2 bilyon dahil sa hindi pagpapatupad ng Clean Water Act.

Sa unanimous ruling, inatasan ng korte, sa pamamagitan ni Associate Justice Ramon Paul L. Hernando, ang Maynilad at  MWSS na magmulta ng P921,464,184 para sa May 7, 2009 hanggang sa araw ng promulgation.

Ganitong halaga rin ang iniutos sa Manila Water kasama ang MWSS.

Ang dalawang concessionaires ay inutusan na magbayad sa susunod na 15-araw mula sa paglabas ng desisyon, ayon kay Information Chief and Spokesperson Atty. Brian Keith Hosaka.

 

143

Related posts

Leave a Comment