Nabigong gisahin sa Senate hearing HONTIVEROS ‘DI UMUBRA KAY ES RODRIGUEZ

(SAKSI NEWS TEAM)

NABIGO si Senator Risa Hontiveros na dikdikin si Executive Secretary Vic Rodriguez nang dumalo ito sa ikatlong pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee (BRC) kaugnay sa kontrobersyal na tangkang pag-import ng 300,000 metric tons ng asukal sa bansa.

Si Rodriguez ay napilitang dumalo sa Senado noong Lunes nang maglabas ng ‘subpoena’ mula sa boto ng mga senador na 11 ang pabor, tatlo ang hindi at tatlo ang ‘abstain’ kung dapat bang i-summon ang Little President ng bansa o hindi.

Bago nito, maingay si Hontiveros sa pag-atake kay Rodriguez na pilit isinasangkot ng senadora sa kontrobersyal na Sugar Order No. 4 na pinirmahan ‘on behalf of the President Bongbong Marcos, Jr.’ ni Department of Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian.

Sinuspinde na ng Malakanyang si Sebastian dahil sa marahas na pagpirma nito, gamit ang pangalan ng Pangulo ng bansa.

Nang mabigong makadalo sa ikalawang pagdinig ng Senado si Rodriguez, mismong si Hontiveros pa ang nag-move para ipa-subpoena ito.

“With the indulgence of the chair, may I therefore now proceed to formally move to subpoena the ES, extraordinary steps simply to secure yung presensya nila or ang pagharap nila live via zoom sa Blue Ribbon, to once and for all, after three attempts of the honorable committee to invite his presence, I so move Mr. Chair,” mayabang na pahayag ni Hontiveros.

Nang makarating kay Pangulong Marcos (na nasa State Visit sa Singapore noong Lunes) na ipinapa-subpoena si Rodriguez, ito na rin ang tumawag kay Senate President Migz Zubiri para sabihing pinapupunta na niya sa Senado ang kanyang Executive Secretary para dumalo sa pagdinig.

Pagdating sa Senado kung saan ay humingi muna ng paumanhin sa mga Senador si Rodriguez, agad nagbigay ng katanungan si Hontiveros.

“Actually Mr. Chair, hindi ko po nakuha masyado ng klaro iyong pag-summarize n’yo ng second point. But if I pick up some of the pieces of the question of Mr. Chair, iyong isa ay may kinalaman doon sa Memorandum from the Office of the ES dated July na nagbibigay ng some delegated powers to the former SRA head, presently preventively suspended, Usec. Sebastian on behalf of the President as the DA Usec and particularly as the head of the SRA subject to the review and reprobation of the president.

Although wala naman po akong tanong doon, ES, I made it also on the record that in fact it would seem, sina USec. Sebastian et al, acted on the basis of that memo from your office,” ani Hontiveros.

Ang sagot ni Rodriguez dito ay: “We made it very clear to them that we are requiring for the submission of an import plan prior to the passage of a sugar order and as I have mentioned during my appearance last August 23, that we were still in the process of determining the basis of their suggestions on whether to import 300k metric tons or not. Ang gusto hong mangyari ng Pangulo, unang-una, ano ang nangyari?”

“Na-consumed na ba yung 200k metric tons at kung ito ay na-consumed na, ano ang ating basehan kung bakit tayo mag-i-import ulit based on the proposed SO 4 kaya ho kami nanghihingi ng import plan. Wala pa ho kaming napagkakasunduan or naa-approve na import plan kaya wala pa hong basehan din yung pagpasa nila ng SO 4 dahil hindi pa nga ho nila maibigay, essentially the process of liquidating yung 200k metric tons na product po sa SO 3, nandoon pa lamang ho kami. Nagulat kami pareho ng ating Pangulo bakit nagpasa ng SO4 at bakit 300k metric tons ang ipinipilit na ating iangkat muli,” wika pa ni Rodriguez.

Muling nagtanong si Hontiveros kay Rodriguez kung narinig ba mismo nito ang kahilingan ng SRA na kailangang mag-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal.

Kinumpirma ito ni Rodriguez sa pagsasabing kaya sila humihingi ng ‘import plan’ para ma-justify kung bakit 300,000 metro tonelada talaga ng asukal ang i-import ng bansa.

Idinagdag ng opisyal na ang 300,000 metric tons ng asukal ay mula mismo sa bibig ng mga opisyal ng SRA at lalong hindi totoo na mismong si Pangulong Marcos pa ang nagsabi na 600,000 metric tons ang gusto nitong i-import na sugar.

“The meeting concluded with the following matters or actions:

1. The import plan 2. Kung sino po ung maaccredit at kung masagot po nila yung katanungan kung maari bang mag-import mismo ang PICT on behalf of the industrial for home consumption at ayon nga ho yung draft ng SO for the proposed 300k metric tons.

2. Again, bakit 300k tons? Kasi po that amount or quantity is galing po sa kanila paulit-ulit yan but we will rely essentially on the import plan if they can justify it or we ourselves can be convinced na kailangan nga 300k metric tons ang ating iangkat,” wika pa ni Rodriguez.

Sa puntong ito, kaagad nagpaalam si Hontiveros sa pagdinig at hindi na nito nakuha pang gisahin si Rodriguez.

“Mr. Chair, I’m sorry I need to pull out at this point to the Chair. I have a victim-survivor of sexual abuse in another committee,” sabi pa ni Hontiveros.

Dahil sa pangyayaring ito, muli na namang pinutakti ng bashers ang senadora.

“Puro kasi ngawa. Nang nasa harap na niya si Atty. Rodriguez, butata naman pala siya!” sabi ng isang netizen.

6

Related posts

Leave a Comment