NAGBAGO NG ISIP: MGA SENADOR PABOR NA SA DEATH PENALTY

death penalty1

(NI NOEL ABUEL)

MARAMI nang senador ang nagbago ng isip at ngayo’y sinusuportahan na ang panukalang muling buhayin ang parusang kamatayan laban sa mga gumagawa ng heinous crime.

Ito ang sinabi ni Senate President Tito Sotto III, kung saan malaki ang tiyansang makalusot na ang panukalang batas na nakahain ngayon sa Senado para ipatupad ang death penalty sa bansa.

Tugon ito ng senador sa nangyaring karumal-dumal na pagpatay sa 16-anyos na dalagita sa lalawigan ng Cebu.

“The way things are happening, marami nang pumapayag sa mga kasama namin. But then again we have three weeks to go, we resume in May, may tiyamba, pwedeng makalusot,” paliwanag ni Sotto.

Ani Sotto, noong 9th at 10th Congress ay inihain nito ang reimposition ng death penalty kaugnay ng pagdagsa ng ipinagbabawal na gamot sa bansa at walang kinakalaman ang mga kasong rape at murder.

Pero dahil sa karumal-dumal na pagpatay sa nasabing dalagita ay maraming tao ang nagalit sa gumawa ng krimen kung kaya’t naging usap-usapan sa social media ang pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa.

Sinabi pa ni Sotto na umaapela ito sa mga botante na iboto ang mga senatorial candidates na pabor sa pagbuhay sa parusang kamatayan.

“I suggest you vote for senators who are in favor, because the House passed it already. They passed it already, sa Senate ang natatagalan. If they are in favor of the death penalty, vote for senators who are in favor of the death penalty. If you are not in favor of the death penalty, vote for candidates who are not in favor (of death penalty),” sabi pa ni Sotto.

Paliwanag pa nito na tanging ang Pilipinas na lamang sa Asya ang walang death penalty kung kaya’t ang mga sindikato ng droga mula sa ibang bansa tulad ng Indonesia, Singapore, Malaysia at China ay sa Pilipinas nagpupunta para isagawa ang ‘operasyon’.

 

 

229

Related posts

Leave a Comment