Nagdeklara ng savings kahit kapos sa serbisyo LEDESMA PINASISIPA SA PHILHEALTH

IGINIIT ni Senador JV Ejercito na napapanahon nang palitan ng pinuno ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth at balasahin ang mga opisyal nito.

Sa gitna ito ng pag-amin ng senador na labis ang kanyang pagkadismaya sa ahensya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin lubusang maramdaman ng taumbayan ang benepisyo ng Universal Health Care Law na limang taon nang ipinatutupad.

Kasabay nito, kinumpirma ni Ejercito na nagpaalam na siya kay Senador Pia Cayetano, ang vice chairman ng Senate Finance committee na magdidepensa sa panukalang budget ng Department of Health na kanyang hihilinging suspendihin ang kanilang rules at hayaan ang PhilHealth na diretsang sumagot sa kanilang mga katanungan kaugnay sa kanilang pondo.

Sinabi ni Ejercito na nakadidismaya ang PhilHealth na inuna pa ang pagdedeklara ng savings sa halip na gamitin ang pondo para sa pagtataas ng benepisyo sa mga miyembro o maibaba ang kontribusyon.

Sa kanyang X account, inendorso ni Ejercito si Atty. Darlene Berberabe na maaaring pumalit kay PhilHealth President Emmanuel Ledesma.

“Atty. Darlene Berberabe, who was responsible for Pag-ibig’s fund turn around when she was at the helm might be worth considering to head PhilHealth,” pahayag ni Ejercito. (DANG SAMSON-GARCIA)

67

Related posts

Leave a Comment