NAGHIHINGALONG MSMEs SASAGIPIN

(NI NOEL ABUEL)

SASAGIPIN ng Senado ang naghihingalong operasyon ng mga medium, small and micro-enterprises (MSMEs) mula sa pagkalugi ng mga ito.

Sinabi ni Senate Majority Leader Migz Zubiri, sa kabila ng kontribusyon ng mga MSMEs ay nahaharap pa rin ang mga ito sa iba’t ibang hamon kung kaya’t kailangang sagipin sa lalong madaling panahon.

“According to data from the Department of Trade and Industry-Bureau of Small and Medium Enterprise Development, there are 946,721 establishments in the Philippines based on the Philippine Statistics Authority’s Annual List of Establishments, of which 99.56 percent are MSMEs,” ayon pa kay Zubiri.

Sinisisi ng senador na dahil sa kawalan ng tulong mula sa financing, sustainable markets at pagsasanay na makakuha ng maayos na operasyon ng negosyo.

Sa Senate Bill No. 110 pinaaamiyendahan ang Section 3 ng Republic Act No. 6977, ang “Magna Carta for Small Enterprises,” na ang total assets ay hindi lalagpas ng mahigit sa P3 milyon para sa micro; P3.001 milyon hanggang P15 milyon sa small; at P15.001 milyon – P100 milyon sa medium enterprises.

“This bill proposes to redefine the coverage of micro enterprises, extend the mandatory lending provisions to MSMEs, and increase the penalties for noncompliance by banks and lending institutions,” paliwanag pa ni Zubiri.

382

Related posts

Leave a Comment