(NI BERNARD TAGUINOD)
IIMBESTIGAHAN ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga kumakalat na fake news hinggil pagho-host ng Pilipinas sa ika-30th Southeast Asian games upang kasuhan ang mga nasa likod nito.
Sa kanyang interpelasyon kay Kabayan party-list Rep. Ron Salo na nagdeliber ng privilege speech para manawagan sa sambayanang Filipino na magkaisa imbes na magsiraan sa SEA Games, tinanong ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor kung may criminal liability ang mga nagpapakalat ng fake news.
“Ito ba ang paninirang ito, ano ba ang criminal liability nito. Is this not tantamount to libel or treason?,” tanong ni Defensor dahil nasa gitna umano ng giyera ngayon ang mga atletang Filipino.
“Sa batas po, sigurado po may criminal liability sila, may criminal liability po yung pagpapakalat ng maling impormasyon,” sagot naman ni Salo.
“This is the time of unity, but at a proper time after the Sea games, would you want to investigate this and file necessary charges against those who purveying fake news, not only against the organizers but importantly and more significantly against our country?,” tanong pa ni Defensor.
Sinagot naman ito ni Salon g “definitely” at target, hindi lamang ang mga nagpapakalat umano ng fake news sa social media kundi maging sa mga traditional media.
Kabilang sa mga fake news umano ay ipinalabas na kikiam ang ipina-almusal sa mga atletang gayong chicken sausage umano ito at mga pasilidad na hindi tapos pero wala umano itong katotohanan.
232