(NI BERNARD TAGUINOD)
UPANG mapatatag pa ang kampanya laban sa ilegal na droga, pananagutin na ang mga may-ari ng mga bahay, gusali at iba pang ari-arian na inuupahan ng mga sindikato ng ilegal na droga.
Ngayong linggo ay inaasahan ng ipasa sa ikatlo at huling panukalang ito na inaasahang magpapalakas sa kampanya kontra ilegal na droga sa bansa dahil tututukan na ang mga nagpapaupa sa mga sindikato ng droga.
Mismong si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang naghain sa House Bill 8909, para amyendahan ang Republic Act No. 9165, o“Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”, upang isama ang mga lessors o nagpapaupa ng kanilang mga ari-arian sa mga sangkot sa ilegal na droga, sa mga paparusahan.
“This bill seeks to penalize negligent lessors of properties used as clandestine laboratories. Lessors of properties shall be required to submit documents to avoid their properties from being used for illegal drug purpose,” ayon sa nasabing panukala.
Kapag tuluyang naging batas ang panukalang ito, ang mga may-ari ng mga inupahan ng mga drug syndicate ay makukulong ng anim hanggang 12 taon at multang P500,000 hanggang P1 milyon.
Karaniwang mga dayuhang ang nangungupahan sa mga shabu laboratory na nalansag mga otoridad sa mga nakaraang panahon at nagagawa umano ito ng mga drug syndicate dahil hindi mahigpit ang mga nagpapaupa.
Maliban sa mga shabu laboratory, may mga inuupahan din mga ari-arian ng mga dayuhan na ginagawang tambakan ng mga ilegal na droga subalit nakakalusot ang mga may-ari sa pananagutan.
Hindi na ito puwede sa ilalim ng nasabing panukala kapag tuluyang naging batas ito dahil maging ang mga ito ay papatawan ng parusa kaya minamadaling ipasa ito bago mag-adjourn ang Kongreso ngayong linggo.
151