Nahuli puro kontrabando walang ulo ng sindikato POLITICAL WILL VS SMUGGLERS HAMON KAY BBM

PATULOY na namamayagpag ang mga smuggler at cartel sa mga produktong agrikultura lalo na sa bigas dahil walang political will si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na habulin, kasuhan at ipakulong ang mga ito.

Ayon sa grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), puro lamang pitik ang ginagawa ng gobyerno sa mga sindikatong ito na pumapatay sa mga lokal na magsasaka at nagpapahirap sa consumers.

“Government should muster enough political will and sincerity to genuinely address the rampant smuggling of agricultural products, particularly rice, sugar, and vegetables, and bring to justice the masterminds and ringleaders of smuggling syndicates in the country,” ani Danilo Ramos, chairman ng KMP.

Gayunpaman, hindi ito nararamdaman sa ilalim ng administrasyon ni Marcos kahit ito pa ang Kalihim ngayon ng Department of Agriculture (DA) na isa mga ahensyang kumukunsinti aniya at nagbibigay proteksyon sa smugglers.

Sinabi ni Ramos na isang organized crime ang smuggling at kilala umano ng DA at Bureau of Customs (BOC) kung sino ang mga smugglers, hoarders at mga tiwaling negosyante subalit hindi hinahabol ang mga ito.

“Hindi sapat ang mga crackdown at raids lang ng mga warehouse. Kailangan na ma-identify, mahuli, masampahan ng kaso at makulong ang mga kabilang sa sindikato ng smuggling.

Even if there is a stricter law on smuggling and economic sabotage, if law enforcers and concerned agencies would remiss on their task to catch smugglers then smuggling would continue and even proliferate,” ayon pa kay Ramos.

Ngayong buwan ay nakakumpiska ng 42,000 sako ng bigas na nagkakahalaga ng P44 million sa Zamboanga bukod sa 36,086 sako mula sa Vietnam, Thailand at Myanmar na umaabot sa P90.2 million ang halaga na natunton sa isang bodega sa Tondo.

Binanggit din niya ang P40 million halaga ng imported rice mula sa mga nabanggit na bansa na nakumpiska sa isang bodega sa Las Piñas City subalit kahit isang smuggler ay wala pang nahuhuli ang gobyerno.

(BERNARD TAGUINOD)

306

Related posts

Leave a Comment