NAMAMATAY SA AKSIDENTE SA PINAS PATULOY SA PAGTAAS 

(NI BERNARD TAGUINOD)

MAHIGIT 700,000 libo ang naitalang lumabag sa batas trapiko sa bansa noong 2016 habang umaabot naman sa mahigit 12,000 ang namatay sa mga aksidente.

Ito ang nabatid kay Iloilo Rep. Lorenz Defensor sa kanyang House Bill (HB) 3196 na nagsusulong ng mandatory re-education program sa lahat ng mga drivers kada 5 taon.

Ayon sa mambabatas, iniuat ng World Health Ogranization (WHO) global status report on road safety na patuloy ang pagdami ng mga namamatay sa aksidente sa Pilipinas.

Patunay ito ang naitalang 12,690 na namatay sa aksidente sa bansa noong 2016 na mas mataas sa 10,012 na nairekord noong 2016.

Lumalabas din aniya sa record ng Land Transportation Office (LTO) na noong 2016 ay nakapagtala ang ahensya ng 710,759 traffic violation sa buong bansa na mas mataas sa 577,958 na naitala noong 2015.

Sa nasabing bilang, 250,219 dito ay nangyari sa Metro Manila noong 2016 at tumaas pa kumpara sa naitala noong 2015 na umaabot lamang sa 208,602, base aniya sa  report ni Richard S. Domingo ng Metro Manila Development Authority (MMDA) Traffic Discipline Office.

Sinabi ng kongresista na human errors ang pangunahing dahilan kung mga aksidenteng ito.

Dahil dito, dapat aniyang magkaroon ng re-education ang lahat ng mga drivers tuwing nagpapa-renew ang mga ito ng kanilang lisensya kada 5 taon upang mabawasan kundi man tuluyang mawala ang mga aksidente at paglabag sa batas sa trapiko.

 

182

Related posts

Leave a Comment