NAMATAY SA PNEUMONIA, IPINASASAILALIM SA COVID-19 TEST

0

IGINIIT sa Department of Health (DOH) ng dalawang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso na isailalim sa COVID-19 test ang mga taong namatay sa pneumonia.

Ginawa nina Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor at Quezon City Rep. Precious Castelo ang nasabing panawagan dahil marami umanong mahihirap ang namamatay sa pneumonia habang nakatutok ang lahat sa COVID-19.

“Yes definitely. Kailangan ma-check para alam natin ang extent. If we do not test them, we will never know if they are positive for the fast-spreading coronavirus disease. It’s good if they do not have the virus. But what if they have it?,” ani Defensor.

Ayon kay Defensor, vice chairman ng House committee on health, isa sa pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga COVID-19 positive ay pneumonia kaya mahalaga aniyang masuri ang mga ito para makasiguro.

“Hindi ito sunugan lang pag namatay. Dapat bigyan pansin kung saan kumakalat para mahinto at yung may sakit kailangan bigyan ng atensyong medikal. Hindi dapat pabayaan komo mahirap at walang pang bayad,” dagdag pa ni Defensor.

Ganito rin ang mungkahi ni Castelo upang makapagsagawa nang maayos na contact tracing sakaling mapatunayan na ang mga namatay sa pneumonia ay positibo sa COVID-19.

“Importante na malaman ang sanhi ng pagkamatay ng isang tao lalo na kung pneumonia related. Dapat ma-COVID-19 test pa din. Pag confirm na COVID-19 ang sanhi. We need to intervene. We need to be cautious on the burial. We need to quarantine the family. We need to undertake contact tracing. We need to know sino PUI. Sino ang PUM,” ani Castelo.

“Kung di natin gagawin ito, we cannot stop the cycle of infection. We might be the next Italy,” babala pa ni Castelo kaya dapat kumilos aniya ang DOH at suriin ang lahat ng mga namatay sa pneumonia. BERNARD TAGUINOD

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment