NAMFREL: MIDTERM ELECTIONS LALANGAWIN

namfrel123

(NI HARVEY PEREZ)

NANINIWALA ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) na  maliit lamang ang voter turnout sa darating na midterm elections sa Mayo 13.

Ayon kay Namfrel Secretary-General Eric Alvia, ito ay dahil mas interesado umano ang mamamayan sa Presidential elections sa Mayo 2022.

“Mas mababa ang nakikitang turnout kasi nakikita ng iba na midterm elections lang ito. Parang [they] will ride through this wave, hindi na makikialam… Hindi nila nari-realize na mahalaga ang elections na ito,” ayon kay  Alvia.

Nabatid na noong 2016  presidential polls lumalabas na umabot ang voter turnout sa 81%. Ipinaliwanag ni Alvia na nagsisilbing  litmus test  para malaman kung ang mga incumbent ay mahina at dapat alisin sa posisyon.

Sinabi pa ni  Alvia  na ang limitadong bilang ng mga kandidato ay may epekto sa  voter turnout.

Sinabi ni Alvia na hinihintay na lamang ng mga botante ang laban sa 2022.

Gayunman, sinabi ng  Legal Network for Truthful Elections (Lente) Executive Director Ona Caritos, naniniwala sila na pupunta sa presinto ang mga botante sa araw ng halalan.

Ang pagkalat umano ng fake news bilang source of information ay itinuturing na  malaking problema noong 2016.

Nabatid na may 18,000 posisyon ang pinag-aagawan sa darating na halalan.

118

Related posts

Leave a Comment