NANGANAK NA POLITICAL DETAINEE PINALILIPAT SA COVID-19 FACILITY

HUMINGI ng konsiderasyon si Senador Nancy Binay sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) para mailipat ang isang political detainee na nanganak sa isang COVID-19 free facility.

Sa pahayag, sinabi ni Binay na kailangan pansamantalang ilipat si Reina May Asis Nasino, na nanganak noong Hulyo 1 sa Jose Fabella Memorial Hospital sa Maynila, upang hindi mahawa ng virus sa loob ng Manila City Jail na mayroon nagpositibo sa sakit.

Isa si Nasino sa tatlong human right activists na inaresto sa Maynila noong Nobyembre 2019 na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms.

Sinabi ni Binay na dapat bigyan ng konsiderasyon ang women detainees na may kondisyong pangkalusugan o espesyal dahil kailangan niyang alagaaan ang anak sa kulungan sa harap ng COVID-19 pandemic.

“Poorly-ventilated, overcrowded and cramped detention cells are one of the many coronavirus flashpoints. Sa kondisyon at sitwasyon ni Reina May at ng kanyang baby, prone silang mag-ina sa infection sa piitan. There are alternative ways of isolation or confinement outside of prison for those nursing their newborn child. Kaya po I am appealing for greater compassion from the BJMP and the courts–for the best interest of both mother and the baby–to move them to a safer government-run facility or even a home for single mothers run by NGOs or a faith-based institution where their healthcare needs are taken care of,” giit niya.

Simula noong 2014, palaging naghahain si Binay ng panukalang batas at resolusyon para sa alternatibong pamamaraaan ng pagkulong base sa humanitarian grounds at palaging humihiling ng rebyu sa umiiral na pamantayan sa pangangailangan ng health care ng buntis na inmates upang makamit ang espesyal na pangangailangan ng kababaihan at nagpapasusong ina sa loob ng kulungan. (ESTONG REYES)

81

Related posts

Leave a Comment