HARAPANG napahiya si Isko Moreno nang hindi pansinin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkikita ng dalawa sa inauguration ng Intramuros-Binondo Bridge sa lungsod ng Maynila nitong nakalipas na Martes.
Sa talumpati ni Isko, dalawang ulit nitong binanggit ang pangalan ni Duterte, ngunit kahit tango ay walang tugon ang Pangulo.
“Parang walang nakita si PRRD, parang walang narinig. Pahiyang-pahiya si Isko kasi ang yabang niyang sobra dahil akala niya makakapag-usap sila ni Digong,” anang isang Filipino-Chinese businessman na nakasaksi sa pangyayari.
Kahit ilang pulis-Maynila ay napansin din ang pang-iisnab ni Duterte kay Isko.
“Tinitingnan namin kasi asang-asa talaga si Yorme (Isko) na noong mga oras na iyon ay ia-announce ni President Duterte na siya ang susuportahan nito sa May 9. Pero wala at napahiya pa siya,” sabi naman ng isang police corporal na naka-assign magbantay sa naturang event.
Ayon sa Malacanang official, ang ginawang pang-iisnab ni Duterte kay Isko ay patunay na hindi na ito makakakuha pa ng basbas sa Pangulo.
“Eh buti pa nga si BBM (Bongbong Marcos) kahit papano ipinatawag sa Malakanyang. Si Kois (Isko), wala talaga. Binanggit lang ang pangalan niya sa opening ng speech ng Presidente pero para i-build up sya ay wala. Tablado talaga!” sabi pa ng Palace official. (SAKSI NGAYON NEWS TEAM)
101