NARCO LIST IDINEPENSA; MGA NASAGASAAN MAGDEMANDA – DU30

duterte15

(NI BETH JULIAN)

IDINEPENSA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginawa nitong pagbubunyag sa listahan ng mga narco list.

Sinabi ng Pangulo na ang trabaho nila ay makahanap ng probable cause na ipiprisinta sa piskalya laban sa mga isinasangkot sa ilegal na droga.

Katwiran ng Pangulo, dapat maunawaan ang salitang ‘probable’ na ang kahulugan ay hindi kinakailangan 100 porsyentong  sigurado ang isang alegasyon laban sa inaakusahan.

Ayon sa Pangulo, nasa korte na ang bola para suriin ang mga inihaing ebidensya at timbangin ito kung sapat o hindi para maideklara kung guilty beyond reasonnable doubt ang isang respondent o not guilty.

Samantala,  pinayuhan na lamang ng Malacanang ang mga kumukwestyon sa nilalaman ng narco list na magtungo sa korte at doon na lang magsampa ng kaso.

Ayon kay Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, kung nais ng mga napasama sa listahan na kwestyunin ang nilalaman ng narco list ay malaya silang gawin ito.

Sinabi ni Panelo na mayroon naman judicial remedy ang mga ito at pwede silang magsampa ng mga reklamo.

Ani Panelo bagaman may kanya-kanyang karapatan ang mga napangalanang narco politicians ay may karapatan din ang pamahalaan na protektahan ang estado sa mga maling gawain lalo na kung makokompromiso ang kapakanan ng nakararami.

7

Related posts

Leave a Comment