‘NARCO POLITICIANS’ SA COCAINE SA DAGAT?

cocaine18

(NI BERNARD TAGUINOD)

POSIBLE umanong mga narco politicians ang nasa likod ng mga nagsisilutangang kontrabando ng cocaine sa karagatan kung saan gagamiting pondo ang mapagbebentahan sa nalalapit na eleksiyon.

Ito ang paniwala ni House committee on dangerous drug chair Robert Ace Barbers ng Surigao del Norte, kasunod ng mga cocaine na nadidiskubre sa mga karagatan ng Pilipinas.

Mula shabu, lumevel-up (level-up) na ang mga durugista sa Pilipinas dahil mula sa paggamit ng shabu ay lumipat na ang mga ito sa cocaine.

“Oo, level-up na (ang mga adik kasi mas mura na ngayon ang cocaine kesa shabu,” text message ni Barbers sa Saksi Ngayon.

Hindi nagbigay ng karagdagang impormasyon si Barbers ng tanungin ng Saksi Ngayon kung sino ang mga pulitiko ang posibleng nasa likod ng mga cocaine na narekober sa kanilang probinsya subalit sinabi nito na ang ilegal na droga ang “…fastest way to raise funds ngayong eleksyon.”

 

Hindi nagbigay ng detalye si Barbers kung magkano ang bawat gramo ng cocaine subali mas mahal na umano ang shabu dahil hindi na kasingdami umano ang supply nito ngayon kumpara noon dahil sa pinag-igting na kampanya ng gobyerno laban sa ileal na droga.

 

Ang shabu ay shabu ay dating tinaguriang “poor man’s cocaine” subalit iba na aniya ang situwasyon ngayon kaya maraming ibinabagsak na cocaine sa Pilipinas gamit ang karagatan.

Noong Sabado ay 77 block ng cocaine ang narekober ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa karagatan ng  Dinagat at Siargao na nagkakahalaga ng P500 Million.

Bago ito ay nakakuha din ang mga otoridad ng mga bloke ng cocaine na palutang-lutang sa karagatan ng Vinson, Camarines Norte na nagkakahalaga ng P5.4 milyon.

Mayroon din aniya mga narekober ng mga mangingisda  na 28 sealed pack ng high-grade cocaines na nagkakahalaga ng P162 Million sa Lucena, Quezon noong Abril 2017; 24 kilos naman ang nakuha sa karagatan ng Matnog, Sorsogon noong Enero 2018 na P125 million ang halaga at 18.8 kilo naman na nagkakahalag ng P79 Million sa Davilacan, Isabela noong Pebrero 2018.

Sa isang statement, noong Sabado, inatasan ni Barbers ang PDEA at PNP na laliman ang imbestigasyon sa mga cocaine na nakuha sa Dinagat at Siargao dahil posibleng pag-aari ito ng mga pulitiko para gamitin sa kanilang kampanya.

“It is an open secret in my province that some politicians are involved, directly or indirectly, in illegal drugs operations. And it is not far-fetched to think that people involved in this have heightened their illegal activity and use their loot for election purposes in the May 2019 elections,” ani Barbers sa inisyung statement.

158

Related posts

Leave a Comment