NATIONAL BUDGET TINATAPOS NA SA BICAM COMMITTEE

(NI BERNARD TAGUINOD)

HALOS tapos na sa Bicameral conference committee ang 2020 national budget na nagkakahalaga ng P4.1 Trillion.

Ito ang nabatid kay House Speaker Alan Peter Cayetano, kaugnay ng sitwasyon ng national budget sa bicam kung saan pinaplantsa ng mga kinatawan ng Kamara at Senado ang magkaibang bersyon ng dalawang Kapulungan.

“Sabi ni Senator (Sonny) Angara, 90 o 95 percent reconciled ng House at Senate,” ani Cayetano kung saan umaasa ito na ang natitirang 5 hanggang 10 porysento ay mairereconcile sa muling paghaharap ng mga ito sa Miyerkoles.

Unang itinakda ang Bicam meeting nitong Lunes , Disyembre 9 , subalit kinansela ito at ginawang Disyembre 10, Martes subalit muli itong iniurong ng Disyembre 11.

Walang ibinigay na paliwanag ang Kamara sa pagkansela ng naturang pulong mga senador at congressmen subalit tiniyak ni House Ways and Means committee chair Joey Salceda na wala silang nakikitang problema.

Ayon kay Cayetano, umaasa siya na maaaprubahan na sa Bicam ang national budget upang maratipikahan na ito sa dalawang kapulungan ng Kongreso ngayong linggo.

 

123

Related posts

Leave a Comment