NATIONAL CALAMITY PINADEDEKLARA KAUGNAY NG PAGKALAT NG AFRICAN SWINE FEVER

PINANGUNAHAN ni Senador Cynthia Villar ang pagdinig upang himukin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magdeklara ng state of national calamity dahil sa African Swine Fever (ASF) noong Lunes, Setyembre 9, 2024.

Naalarma ang chairman ng Senate committee on agriculture and food sa lumalalang epekto ng ASF sa industriya ng baboy sa bansa at ikinalungkot ang pagkaantala sa pagtatayo ng first border cold storage facility sa Bulacan sa kabila ng paglalaan ng budget at ground breaking nito.

Humarap si Dr. Samuel Zacate, Director General ng Food and Drugs Administration (FDA) sa naturang pagdinig. (DANNY BACOLOD)

63

Related posts

Leave a Comment