NBI NAG-SORRY SA INASAL NG ILANG TAUHAN SA ILANG MEDIAMEN

HUMINGI ng paumanhin ang National Bureau of Investigation (NBI) sa magaspang na trato ng ilan nilang tauhan sa mga mamamahayag sa isang anti-drug operation sa lungsod ng Pasay.

“The National Bureau of Investigation offers its apology to the members of the media regarding the incident that transpired at dawn today involving the drug operation in Roxas Boulevard,” ayon sa inilabas na pahayag ng ahensya nitong Biyernes ng hapon.

Nabatid na nagkasa ng anti-drug operations ang NBI sa may Roxas Blvd., Pasay City. Nang dumating ang mga miyembro ng media ay patapos na ang operasyon at nagsasagawa ng imbentaryo sa nakumpiskang ilegal na droga.

Dahil kailangan ng testigo mula sa media na protocol sa mga operasyon, pinalalagda ng mga ahente ang mediamen na tinanggihan ng mga ito dahil hindi nila nasaksihan ang aktwal na operasyon.

Dito na umano nang-harass ang isang operatiba at sinabihan ang isang TV reporter na “bading” habang isang radio reporter naman ang kinunan ng litrato ang kanyang ID.

Nang makarating kay Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla ang pangyayari ay agad ding naglabas ng pahayag ang NBI.

“While we try to observe standard operating procedures, given the technicalities in the conduct of field operations, the actions of some of our agents may have offended some media members,” ayon pa sa NBI.

Ngunit, ayon sa mga mamamahayag na nabastos, maaari naman silang pumirma kung kinakailangan basta maayos ang pakikitungo sa kanila at hindi sila binabastos.

Tinitingnan na umano ng NBI ang naturang pangyayari at tiniyak na gagawa ng hakbang para hindi na ito maulit.

Sinabi pa ng NBI na pinahahalagahan nila ang papel ng media sa mga anti-drug operation at ipagpapatuloy ang propesyunal na pagtrato sa kanila. (RENE CRISOSTOMO)

25

Related posts

Leave a Comment