NBI PASOK SA BATUAN VICE MAYOR KILLING PROBE

nbi200

(NI HARVEY PEREZ)

INATASAN ni Justice Secretary Menardo Guevarra ,ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng sariling imbestigasyon kaugnay sa naganap na pagpaslang kamakailan kay Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III.

Sa pamamagitan ng inilabas na Department Order 564 ni Guevarra, iniutos nito kay NBI Director Dante Gierran ang pagsasagawa ng case build up sa pagpaslang kay Yuson noong Oktubre 9 sa Sampaloc,Maynila.
Ayon kay Menardo kung may makukuhang ebidensiya ay sasampahan nito ng kaso ang mga kasabwat.

Nabatid na inihayag ng abogado ng pamilyang Yuson na si Atty.Edward Marcaida na nais nilang mailipat sa DOJ ang imbestigasyon sa kaso.

Matatandaan na apat na suspek ang naaresto sa pagpatay kay Yuson  sa hot pursuit operation pero pinalaya ni Prosecutor Jovencio Senados for ‘further investigation’.

Una nang tinambangan ng mga suspek ang biktima kung saan dalawa pa sa kasama nito ang nasugatan.

 

162

Related posts

Leave a Comment