NET SATISFACTION RATING NG DUTERTE GOV’T BUMABA

duterte32

(NI JESSE KABEL)

MAS bumaba ngayon ang net satisfaction rating ng national government para sa ikatlong bahagi ng taong kasalukuyan, batay sa resulta ng ginawang pag aaral ng  Social Weather Stations (SWS) na kanilang inialbas Miyerkoles ng gabi.

Base sa sinagawang SWS survey, mula sa ‘excellent’ na +73 nitong June o second quarter ay  bumagsak sa +67 ang net satisfaction rating o nasa kategoryang ‘good’ ang net satisfaction sa Duterte admin.

Batay sa pag-aaral, 3 sa bawat apat na Filipino ang nasisiyasahan sa pagpapatakbo ng gobyerno. Sa SWS survey, 77% ng adult Filipinos ang nasisiyahan sa pamamalakad ng administrasyon, 11% ang hindi tiyak kung nasisiyahan o hindi at 10% ang hindi nasisiyahan.

Ayon sa survey, bumaba ang overall net satisfaction sa Duterte admin ng 10 puntos sa Mindanao, 10 puntos sa Balance Luzon at 1 punto sa Visayas, subalit impressive naman umano ang itinaaas na 12 puntos na  net satisfaction sa Duterte admin sa Metro Manila na mula sa “very good” plus-59 nuong Hunyo ay umakyat ito sa “excellent” plus-71 nitong Setyembre.

Pinakamataas na grado ang nakuha ng administrasyon sa pagtulong sa mahihirap, pagbibigay ng impormasyon na kailangan ng mga mamamayan para suriin nang mabuti ang ginagawa ng gobyerno, at pagkakaroon ng malinaw na patakaran.

Isinagawa ang survey noong September 27 hanggang 30 sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,800 Filipino adults sa buong bansa.

Narito ang net satisfaction rating ng mga Filipino sa pamamalakad ng Duterte admin sa mahahalagang isyu.

  • +49 (Good) Paglaban sa terorismo
    • +40 (Good) Pakikipag-ugnayan sa mga rebeldeng Muslim upang ang mga ito ay magbalik-loob sa pamahalaan
    • +38 (Good) Pakikipag-ugnayan sa mga rebeldeng komunista upang ang mga ito ay magbalik-loob sa pamahalaan
    • +62 (Very Good) Pagtutulong sa mga mahihirap
    • +5 (Neutral) Paglalaban sa pagtaas ng presyo
    • +28 (Moderate) Paniniguro na walang pamilyang kailanman ay magugutom at walang makain
    • +48 (Good) Pagpapaunlad ng isang masiglang ekonomiya
    • +39 (Good) Pakikipag-ugnayan sa ibang bansa
    • +32 (Good) Pagpupuksa ng katiwalian at pangungurakot sa gobyerno
    • +30 (Good) Pagtatanggol sa kasarinlan ng Pilipinas sa West Philippine Sea
    • +30 (Good) Pagbabawi ng mga yamang kinurakot ng dating Pangulong Marcos at ng kanyang mga kroni
    • +47 (Good) Pangangalaga sa karapatan ng pamamahayag
    • +44 (Good) Pagkilos batay sa kagustuhan ng mga tao
    • +53 (Very Good) Pagkakaroon ng malinaw na patakaran
    • +54 (Very Good) Pagbibigay ng impormasyon na kailangan ng mga mamamayan para suriin ng mabuti ang ginagawa ng gobyerno
    • +43 (good) Paglalaban sa mga krimeng bumibiktima sa ordinaryong mamamayan tulad ng pagpatay, holdap, pagnanakaw, pananakit na pisikal, atbp.

Samantala, bumaba ng pitong punto ang kasiyahan ng mga taong itinuturing na masa o class D sa pamamalakad ng gobyerno , Mula  sa plus-73 noong Hunyo ay bumaba sa plus-66 nitong Setyembre. Habang ilang punto naman ang ibinba mula sa hanay ng Class e o mga naghihikahos.

Subalit umakyat naman ang satisfaction sa Duterte government mula sa ‘very good’ plus-60 noong Hunyo na naging ‘excellent’ plus-78 nitong September sa hanay ng  Class A, B and C.

 

154

Related posts

Leave a Comment