HINDI ikinatuwa ng netizens ang maganda sanang balita ni Cebu Governor Gwen Garcia na magbebenta ang lalawigan ng P20 kada kilo ng bigas.
Ayon sa gobernador, ito ay bilang suporta sa adhikain ng administrasyong Marcos na mabigyan ang mamamayan ng murang bigas.
Pagmamalaki ni Garcia, ang kanyang lalawigan ang unang makapagbebenta ng NFA rice ng P20 kada kilo, ngunit iaalok muna ito sa mahihirap na pamilya.
Naglaan umano ang pamahalaang panlalawigan ng Cebu ng pondong P100 milyon para makabili ng bigas sa NFA at saka ito ibebenta. Ito ay alinsunod sa programa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa NFA na bumili ng palay sa magsasaka sa mataas na presyo.
Gayunman, nasupalpal sa social media si Garcia dahil maraming netizens ang naniniwalang sumisipsip lang siya kay Marcos Jr.
Maliwanag anilang umeepal ang gobernador at gustong magpalapad ng papel ngunit mas makabubuti kung ililibre na lang niya ang bigas tutal ay pera rin naman ng taumbayan ang gagastahin dito.
Patutsada naman ng iba, tila ginigisa ni Garcia sa sariling mantika ang mga taga-Cebu.
Basahin ang ilan sa mga komento sa X:
Mixed Nuts:
Budol pa more. Subsidized kaya. Using our money to pay the difference between the P 20 & the real price of the rice. Why don’t you just give it away then for free? Gaga ka Gwen.
sky388:
Subsidized ng kita ng probinsya
1. Locally generated income
2. SHARE sa national taxes na galing LAHAT ng taxpayers ng bansa epal epal lang sa messy cebu.
SΓΈren:
Bakit ibebenta pa ng bente? Eh di ipamigay mo na lang tutal subsidized nman.
Rene:
Doable but why only now? And what time frame? Till supply last? Or another talking point for elections to come!
ππππππππ πππ:
Ang tanong hanggang kailan kaya i-subsidize ng capitol yan pautot mo na yan.Pera din yan na galing sa kaban ng bayan.Igigisa mo mga Bisaya sa sariling mantika.
Ererebenele2:
If it’s subsidized then it’s a failure. Govt is paying part of the price instead of it’s funding going elsewhere.
PAUL S:
At current market prices, the subsidy will probably be 25+pesos per kilo…hindi yan ang election promise. Walang binanggit na subsidy at para sa lahat ng mamamayan, di lamang indigent. Huwag Mang budol
Liam:
I applaud her initiative but would that be a sustainable program, the government to always subsidize? I’m worried that this will be like the price cap implementation.
Alex Dgr828:
SUBSIDIZED! PERA PA RIN NG BAYAN ANG GAGAMITIN! NILULUTO SA SARILING MANTIKA!
Jon Jon:
Sugot ba mo Cebu nga NFA ipakaon sa injo ng injong Governor
Anne:
But Cebu is not the whole Philippines. di lahat ng LGU kasing yaman ng Cebu, so promise unfulfilled pa rin si BBM
κ±α΄α΄ α΄Ι΄:
Masabi lang na nag 20 yung bigas per kilo. Mygadh gwennn!
Lonely:
It should be for all not for indigent famies only bcoz the fake pres promised to all pilipinos not only for indigent people
Ja_Vis:
hahahah. kiss @ss ka tlaga, ang pangako P20 sa buong Pilipinas at hindi sa lugar nyo lang at di rin dapat kinuha sa pera ng bayan para bilin ng mahal at ibenta nyo ng palugi. langya ginigisa nyo kami sa sarili naming mantika. mga manloloko. tanga lang maniniwala sa inyo
kokotimbol69:
anong klaseng bigas yarn? mas masahol pa sa kaning-baboy?