MALAKI ang posibilidad na bawiin din ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa Estados Unidos.
“The way his body language says, mukhang ayaw niya na rin niyan. Kasi considering na sinasabi niya na it’s about time to stand on our own, strengthen our resources, our capabilities of defending our country,” ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo.
Ang pahayag na ito ni Sec. Panelo ay matapos na pormal na ipaalam ng Pilipinas sa gobyerno ng Estados Unidos ang intensyon ni Pangulong Duterte na tapusin na ang Visiting Forces Agreement (VFA), na nagsisilbing gabay ng mga bumibisitang US personnel na makapagdaos ng military exercises sa Pilipinas.
“We can’t be relying forever. We cannot be a parasite to every country na gusto natin tumulong sa atin,” ayon kay Sec. Panelo.
Nilagdaan ang EDCA noong 2014 na naglalayong pahintulutan ang US “to build structures; store as well as preposition weapons, defense supplies and material; and station troops, civilian personnel and defense contractors, transit and station vehicles, vessels, and aircraft for a period of 10 years.”
Ang EDCA ay resulta ng strategic pivot sa Asia ni dating US President Barack Obama na nagbibigay pahintulot sa deployment o pagpapadala ng mayorya ng US warships sa world’s most dynamic economic region.
Para naman kay Justice Secretary Menardo Guevarra, kapag na-terminate ang VFA ay magiging “practically useless” ang EDCA at ang Mutual Defense Treaty ay magiging “hollow agreement.”
Samantala, wala namang balak si Pangulong Duterte na i-renegotiate ang VFA. “Hindi siya open. Hindi nga siya open na tayo ay pumasok sa mga military agreement sa ibang bansa eh,” ayon kay Sec. Panelo. CHRISTIAN DALE
214