(NI NOEL ABUEL)
MAGANDANG balita sa ilang government employees.
Ito ay matapos aprubahan at umusad sa Senate Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Regulation at Senate Committee on Finance ang Comm. Report No. 13 na naglalayong bigyan ng night shift differential pay ang ilang empleyado ng pamahalaan.
Ayon kay Senador Bong Revilla, chair ng nasabing komite, inaprubahan ang Senate Bill No. 643 na nagkakaloob ng night shift differential sa mga manggagawa ng pamahalaan bilang pagkilala sa ginagawa ng mga ito.
Paliwanag pa ng senador, ang bayad sa night differential ay ibibigay kung lalagpas sa regular working hours ang trabaho ng mga government workers dahil sa pagseserbisyo sa kanilang trabaho.
Sa ilalim ng nasabing panukala, ang mga empleyado ng pamahalaan ay makakatanggap ng 20 porsiyento ng basic rate per hour nito mula alas-6:00 ng gabi haggang alas-6:00 ng umaga.
Maliban sa government workers, sakop din ng panukala ang mga empleyado ng Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs).
Hindi naman kasama sa nasabing benepisyo ang mga empleyado ng Armed Force of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at Bureau of Fire Protection (BFP).
134