(Ni BERNARD TAGUINOD)
Lagot ang mga Ninja Cops kay Supreme Court (SC) Chief Justice Diosdado “Dado” Peralta.
Ito ang pahayag ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor na naniniwalang mas mapapalakas pa ang kampanya ng gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-aapoint nito kay Peralta bilang bagong Chief Justice.
Ayon kay Defensor, noong 11th Congress siya ang nagbunyag sa Kongreso sa paghuli at pagpapalaya ng mga pulis sa Station 9, ng dating Central Police District na ngayon ay Quezon City Police District (QCPD) sa isag dayuahang drug lord at ibinenta ang nakumpiskang droga.
“The ninja cops led by Col (Francisco) Ovilla and 10 of his police cohorts we’re tried and convicted by then Judge Dado Peralta of Quezon City,” pahayag ni Defensor sa isang statement.
Dahil dito, natuwa si Defensor sa pagkakatalaga ni Duterte kay Peralta bilang bagong Chief Justice sa kataasa-tasaang hukuman , sa gitna ng anti-illegal drug campaign ng Pangulo.
“I am sure that his appointment will further strengthen the anti -drug campaign of the administration,” ayon pa sa mambabatas lalo na’t hanggang ngayon ay marami pa ring Ninja cops na sumisira sa anti-drug war ng Philippine National Police (PNP).
Si Peralta ay itinalagang Presiding Judge ng Branch 95 ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) noong Setyembre 1994 kung saan “special court” ang kanyang sala sa mga heinous crimes kabilang na ang illegal drgus.
Sinabi naman ni Kabayan party-list Rep. Ron Salon a makakasiguro na ang sambayanang Filipino sa pamamagitan ni Peralta ay iiral ang rule of law sa bansa.
“The decisions he has penned, and the legal advocacies he has pursued resoundingly prove that he is always ready in upholding truth,fairness and social justice. With him at the helm of the Judiciary,the Filipino people are certainly assured that justice and the rule of law will always prevail,” ani Salo.
171