‘NO DAY-OFF’, ‘NO ABSENT POLICY’, IPATUTUPAD NG MMDA SA UNDAS

mmda

(NI ROSE PULGAR)

IPATUTUPAD ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng ‘no day-off, no absent policy’ sa kanilang mga tauhan, partikular na sa mga nasa traffic enforcers, ngayong darating na Undas.

Ayon kay MMDA EDSA Traffic Chief, Edison Nebrija na kanselado ang ‘day-offs’ habang mahigpit ang kanilang tagubilin na huwag umabsent sa kanilang mga tauhan sa Oktubre 31, Nobyembre 1 hanggang Nobyembre 4 kung kailan inaasahan na magbabalikan ang mga taga-Maynila sa lungsod mula sa kani-kanilang mga probinsya.

Tinatayang nasa 2,000 tauhan ng MMDA ang ipakakalat sa mga bisinidad ng iba’t ibang lungsod sa Metro Manila para tumulong sa mga lokal na pamahalaan sa pagmamando ng trapiko.

Kabilang sa paghahanda ng MMDA sa Undas ang koordinasyon sa traffic units ng mga lokal na pamahalaan para magkaroon ng koordinasyon sa kanilang ‘traffic plans’ at hindi magkaroon ng kalituhan lalo na sa mga kalsada na isasara sa trapiko at mga gagawing ‘one way’.

Magsasagawa rin ng ‘clearing team’ ang MMDA sa lahat ng uri ng obstruksyon sa mga likuran o ‘backdoors’ ng mga bus terminals para makatiyak na maaaring makapagbaba ng pasahero ang mga taxi, TNVS, at mga pribadong sasakyan.

Una nang sinuspinde ng ahensya ang number coding scheme sa Undas.

Walang number coding para sa mga pamprobinsyang bus sa Oktubre 31 (Huwebes) at Nobyembre 4 (Lunes).
Habang ang number coding scheme para sa mga pribado at pampublikong sasakyan ay suspendido lamang sa Biyernes, Nobyembre 1 na isang ‘holiday’.

 

 

191

Related posts

Leave a Comment