NO EXPIRATION BIRTH CERT ISINUSULONG

cert44

(NI NOEL ABUEL)

ISINUSULONG sa Senado ang panukalang gawing panghabambuhay ang validity ng birth certificate na naglalayong makabawas sa gastos ng bawat indibiduwal.

Sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na panahon nang ibasura at obligahin ang mga ahensya ng pamahalaan na tanggapin ang birth certificate ng isang indibiduwal kahit kailan pa ito nakuha sa Philippine Statistics Administration (PSA).

“Magastos sa aplikante ang requirement na kailangang brand new ang birth certificate. Dagdag pa ang pahirap sa pagkuha,” sabi ni Recto.

“To the credit of the Philippine Statistics Authority (PSA), it has never been remiss in explaining that birth certificates it has issued have no expiry dates, but this assurance remains unheeded in many offices which continue to require that the submitted birth certificate was issued within the past six months,”paliwanag pa nito.

Nabatid na ang mga birth certificates certified ng PSA ay ginagamitan ng security paper o mas kilalang SECPA para matiyak na hindi ito nagagaya subalit nagiging magastos ito sa publiko dahil sa nagbabago ang kulay nito kada anim na buwan.

“Hindi naman ‘yan ulam o sardinas na napapanis. Kaya nakalulungkot na marami pa ring mga opisina na ang gusto ay bagong kuhang birth certificate, na isang pahirap sa isang aplikante,” ayon pa kay Recto.

 

155

Related posts

Leave a Comment