(NI BETH JULIAN)
WALANG filter at pagiging straightforward ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya patuloy na maraming mga Filipino ang nagtitiwala sa kanya.
Ito ang pahayag ni Secretary to the Cabinet Karlo Alexi Nograles bilang reaksyon sa pinakahuling survey na inilabas ng Pulse Asia na nagsasaad na walo sa bawat 10 Filipino ay nananatiling kuntento at nagtitiwala sa pagganap ng Pangulo sa kanyang tungkulin bilang Chief Executive.
Ayon kay Nograles, malaking puntos ang pagiging diretsahan, totoong tao na masasabing walang filter ang Pangulo kaya ito ang ikinagusto ng ng mga Filipino kaya patuloy ang pagtitiwala.
“Walang filter ang Presidente at kung ano ang gustong sabihin niya ay kaya niyang sabihin kaya’t ganun na lang ang tiwalang ipinagkakaloob ng taumbayan,” pahayag ni Nograles.
Una nang naglabas ng resulta ng survey ang Pulse Asia na sa pagitan ng June 24 hanggang June 30, nasa 85% ng 1,200 adult respondents ang appreciative sa performance ng Presidente at patuloy na may kumpiyansa sa pamamahala.
Nagpasalamat naman ang Malacanang sa magandang resulta ng survey ng Pulse Asia at ipinangakong ipagpapatuloy ng administrasyong Duterte ang magandang gawain na ikinakukuntento ng mga Filipino.
150