TULUYAN nang binuwag ng Malakanyang ang North Luzon Railways Corporation (Northrail) sa katuwirang wala na itong saysay.
Mandato ng Northrail na mag-develop, magtayo, mag-operate at pangasiwaan ang railroad system patungong National Capital Region, Central Luzon at Northern Luzon.
Nakasaad sa Memorandum Order No. 17, tinintahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Oktubre 19, 2023, ang Northrail ay hindi na “cost efficient, and does not generate the level of social, physical and economic return vis-a-vis the resource inputs.”
Ayon pa rin sa kautusan, ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang siyang magpapatupad ng abolisyon at magsisilbing administrator at liquidator ng Northrail.
Dapat din aniya na tumulong ang BCDA para mabayaran ang mga utang ng Northrail, kabilang ang pagbabayad sa separation pay ng mga opisyal at empleyadong apektado ng abolisyon.
Kailangan din aniya na gumawa ito ng pagbabago sa management plan.
Ang Northrail project ang magsasagawa sana ng railroad na magkokonekta sa Caloocan City patungo sa Malolos, Bulacan.
(CHRISTIAN DALE)
245