POSIBLENG misinformed si UN Special Rapporteur Dr. Ian Fry sa tunay na mandato ng NTF-ELCAC kaya’t inirekomenda ang pagbuwag sa task force.
Ito ang binigyang-diin ni Senador Ronald Bato dela Rosa sa pagsasabing posibleng si Fry na ang pinaka-misinformed na dayuhan na nagtungo sa bansa.
Sa pagtalakay sa panukalang budget ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Reconciliation and Unity, sinabi ni dela Rosa na posibleng ang naririnig lamang ng rapporteur ay ang mga impormasyong ipinararating sa kanya ng mga kritiko ng gobyerno at hindi napapakinggan ang pamahalaan.
Ipinaliwanag ni dela Rosa na ang NTF-ELCAC ay nakatutok sa good governance at paghahatid ng basic services sa mga komunidad at walang kinalaman sa armed confrontation sa mga kaaway ng estado.
Nagtataka naman si Senador Francis Tolentino kung bakit nagkokomento ang UN official sa mga aktibidad ng NTF-ELCAC gayung ang misyon niya sa bansa ay may kaugnayan sa climate change.
(DANG SAMSON- GARCIA)
70