NUEVA VIZ MAYOR GUILTY SA GRAFT; BUKING SA P1-M SUV

CORRUPT

GUILTY si Mayor Jerry Pasigian, ng Nueva Vizcaya sa kasong graft and malversation of public property nang bilhin nito ang isang P1.269 milyong Nissan Patrol noong 2009 nang walang public bidding.

Sinabi ng Sandigan Fifth Division na si Pasigian, ng Alfonso Castaneda, ay maaaring makulong ng mula anim hanggang 15 taon dahil sa graft at apat hanggang pitong taon sa malversation.

Sa desisyon ng korte, sinabing binili ng alkalde ang SUV nang walang public bidding at inirehistro pa ito sa kanyang pangalan at tinangkang ibenta sa isang ‘Ben Polig’.

Sa katunayan, ayon pa sa korte, nakuha lamang ang sasakyan kay Polig nang palitan ng alkalde ang naibentang SUV ng isang L-200 pickup.

Bukod sa pagkakakulong, si Pasigian ay inatasang magbayad ng

P453,214.29. Hindi na rin siya pinahintulutang tumakbo sa anumang posisyon ng gobyerno.

6

Related posts

Leave a Comment