NURSE SA BAWAT BARANGAY IPATUTUPAD

pinay nurse12

(NI ABBY MENDOZA)

SA katwirang dapat may nangangalaga ng kalusugan ng bawat isa, isinusulong ni Las Pinas Rep Camille Villar ang paglalagay ng isang registered  nurse bawat  barangay sa buong bansa.

Sa House Bill No 3312 o A Nurse in Every Barangay Act of 2019” ni Villar sinabi nito na ang pagkakaroon ng nurse sa bawat barangay ay makatutugon sa  health care services sa Pilipinas kung saan mamonitor at matuturuan ang mga tao tungkol sa tamang nutrisyon at kalinisan para maiwasan ang pagkalat ng anumang sakit at iba pa.

Sa ilalim ng panukala, ang mga kukuning nurse na magtatrabaho ay sa ilalim ng isang programa na may salary grade 15 na mayroong mandatory minimum entry level pay para sa isang government nurse sa ilalim  ng Philippine Nursing Act of 2002, o Republic Act (RA) No. 9173.

Matutugunan din umano ng panukala ang unemployment ng mga nurses na mula 2014 umano ay bumaba na ang demand sa ibang bansa kaya maraming Filipino nurses ang walang trabaho.

Base umano sa datos ng Professional Regulation Commission (PRC), simula noong Enero 2014 tinatayang  300,000 unemployed nurses ang nasa bansa at inaasahang tumaas pa.

“This will not only address the problem of the unemployment and underemployment of our professional nurses, but will be considered a leap in improving the health service delivery in the country.

The duties of each dispatched nurse include educating their respective barangays on the importance of health, hygiene, sanitation, and wellness. Their goal is not only to address the immediate medical needs of the community, but also, through education, to prevent illnesses and ailments,”paliwanag ni Villar.

Giit ni Villar na dapat gawing oportunidad ng bansa at hindi problema ang tumataas na unemployment rate ng mga nurses dahil ang galing umano ng mga nurses ay maaaring magamit para mapataas ang antas ng health services ng bansa.

 

26

Related posts

Leave a Comment