OFW NA TAGA-LAGUNA NANALO NG HOUSE AND LOT SA 11TH OFW AND FAMILY SUMMIT

ISANG motorman na nagtatrabaho sa India at tubong Sta. Rosa, Laguna ang nakakuha ng advanced gift mula sa Villar family para sa kanyang ika-41 kaarawan (Nov.19), sa ginanap na 11th OFW and Family Summit sa Las Piñas City.

Sa pahayag, inihayag ng tanggapan ni Senador Cynthia Villar na nakakuha ng house and lot sa Camella Homes si Jeorge Vincent Giron, ng Sta. Rosa, Laguna.

Panay ang lukso at sigaw ni Giron at kanyang kabiyak at anak habang patungo sa stage upang tanggapin mula kina Sen. Cynthia Villar, House Deputy Speaker Camille Villar and Vista Landholding CEO Paolo Villar ang “symbolic key” sa house and lot.

Pinasalamatan ni Jeorge, na nasa bansa para sa isang buwang bakasyon, ang Villar Family sa kanilang adhikaing matulungan at suportahan ang OFWs.

Tiniyak ni Sen. Cynthia at ng kanyang pamilya na ipagpapatuloy nila ang summit bilang pagkilala sa kadakilaan at sakripisyo ng ating “modern-day heroes” upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya at matulungan ang ekonomiya. (ESTONG REYES)

50

Related posts

Leave a Comment