(NI BERNARD TAGUINOD)
DAHIL sa kanilang work ethics, maganda ang trato ng mga bansa na miyembro ng Russian Federation sa mga overseas Filipino workers (OFWs).
Ito ang nagtulak sa Kongreso na aprubahan ang House Resolution 2347 na inakda ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo pa humiling kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipursige ang negosasyon sa Russian Federations para sa kapakanan ng mga OFWs na nagtatrabaho sa kanilang bansa.
Nakasaad sa resolusyon na sa ngayon ay umaabot sa 6,057 OFWs na nagtatrabaho sa Russia, Armenia at Ukraine at hindi pa kasama dito ang mga illegal workers o hindi inaprubahan ng gobyerno ng Pilipinas ang pagpunta nila at pagtatrabaho sa mga bansang ito.
Noong 2016, nag-deploy ang Pilipinas ng mga top skilled workers sa Russia na kinabibilangan ng mga welder, flamecutters, mechanical engineering technicians and assistants, plumbers, pipefitters at iba pa.
Dahil dito, naging paborito na umano ang mga Filipino workers sa mga bansang ito patunay ang 6.8% increase sa deployment ng mga OFWs sa bansang kasapi sa Russian Federation.
Gayunpaman, tungkulin umano ng gobyerno na matiyak ang proteksyon pa rin ng mga OFWs sa mga bansang ito kaya kailangang ipursige ang negosasyon sa mga kasapi ng Russian Federation.
235