HINDI ang sambayanang Pilipino ang makikinabang sa Maharlika Invest Fund (MIF) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kundi ang mga oligarch.
Sa kanyang privilege speech, inilutang ni House deputy minority leader France Castro ang pangambang ito kasunod ng pagpapalabnaw sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng MIF.
“Nasaan na ang pagsang-alang sa independence at integrity ng MIF na hahawak ng bilyun-bilyong galing sa mga mamamayan? Nasaan na ang dating pangako na hindi magagamit ang MIF at MIC (Maharlika Investment Corporations) upang pagkakitaan ng mga oligarko at kroni?,” tanong ni Castro.
Ayon sa mambabatas, kasama sa binago sa educational o professional qualifications ng opisyal ng MIC para mas magaan at maluwag ang pamantayan para sa opisyales na siyang hahawak ng pera ng bayan.
Patunay aniya ito na hindi natupad ang pangako ni Marcos na hindi makikinabang ang malalaking negosyante o mga tinatawag na oligarch at mga crony nito sa MIF funds na may inisyal na pondong aabot sa P500 Billion.
“Itong mga pagbabago na ito ay nagbibigay ng mas maraming kapangyarihan at kalayaan sa kanila, kaya tumataas din ang bulnerabilidad tungkol sa accountability at transparency na maaaring humantong sa political interference, kawalan ng check and balance, at paglustay sa pondo ng mamamayan,”
Wala na bang iba?
Ito rin ang tanong ni Castro dahil ang pinili ni Marcos na mamahala sa P500 Billion na pondo ng bayan ay may dalawang “criminal case of fraud” sa Makati at Cavite gayung malinaw aniya sa MIF law ay dapat malinis at walang kaso sa korte.
“”Why would you entrust hundreds of billions of taxpayer’s money to one involved in fraud?,” ayon pa kay Castro.
Base aniya sa Sec.20 ng RA 11945 o MIF law nakasaad ang mga katagang “Maharlika Investment Fund Act disqualifies from being a director a person who, within five (5) years prior to appointment, has, among others, been “convicted by final judgement of an offense punishable by imprisonment for a period exceeding six (6) years,” or “has a pending administrative, civil or criminal case relating to fraud, plunder, corrupt practices, money laundering tax evasion, or any similar crimes involving misuse of fund in the person’s possession or breach of trust.”
“As if naman mabubura ang pagkacorrupt ng isang tao kung naconvict siya 10 years o 15 years ago. It is like saying that Ferdinand Marcos Sr. and Imelda are no longer plunderers because the first court judgement against them was issued during the 1990s,” ayon sa Kongresista.
(BERNARD TAGUINOD)
