OMICRON VARIANT, MAS MATINDI SA DELTA; PUBLIKO, PINAG-IINGAT

PINAYUHAN ni Senador Richard Gordon ang publiko na doblehin ang pagiging vigilante at pag-iingat dulot ng banta ng bagong variant ng COVID-19 na Omicron.

Sinabi ni Gordon na ang bagong strain ay mas madaling maikalat at mas malakas kumpara sa Delta variant.

Iginiit ng senador na dapat mabahala ang bawat isa sa panibagong variant dahil mas mabilis ang pagkalat nito.

“We should be really concerned about this new variant because it’s already spreading like wildfire. Let’s continue to wash our hands, keep our distance, get tested regularly and strive to be fully vaccinated,” saad ni Gordon.

“This pandemic will now be traveling 500 times faster than the Delta variant. The transmissibility is quicker and it’s more effective than any other previous variant,” dagdag ng senador.

Binigyang-diin ni Gordon na bagama’t wala pang kasong naitatala sa bansa, dapat ngayon pa lamang ay maglatag na ng dagdag na seguridad ang mga awtoridad habang ang publiko ay dapat na mas doblehin ang pagsunod sa health protocols.

Muli ring hinikayat ng senador ang publiko na makiisa sa tatlong araw na national COVID-19 vaccination drive para sa dagdag na proteksyon.

“Nawa ay mamayani muli ang diwa ng bayanihan dito dahil tinutulungan natin ang isa’t isa upang maprotektahan ang ating mga sarili mula sa COVID-19,” diin ni Gordon.

Sa panig naman ng Philippine Red Cross (PRC), inatasan ni Gordon ang kanilang mga tauhan na pag-ibayuhin pa ang pagtulong sa mga lokal na pamahalaan upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa bansa.

Kasabay nito, patuloy rin ang pagsusulong ni Gordon sa panukala para sa pagbibigay ng dagdag na benepisyo sa healthcare workers sa ilalim ng kanyang Senate Bill 2371 o ang pagbibigay ng special risk allowance bukod sa hazard pay. (DANG SAMSON-GARCIA)

4

Related posts

Leave a Comment