ONE STRIKE POLICY LABAN SA RECRUITMENT AGENCIES ISINULONG

NAIS ni Senador Raffy Tulfo na magpatupad ng ‘one strike policy’ sa recruitment agencies na hindi pumapansin sa sumbong ng mga OFW.

Ito ay sa gitna ng pangako ng chairman ng Senate committee on migrant workers na patuloy na isusulong ang kapakanan ng mga OFW at titiyakin ang kanilang proteksyon mula sa mga mapang-abusong employers.

Ayon kay Tulfo, rerebisahin niya ang records ng mga recruitment agencies at kapag nagkaroon ng sumbong ang mga OFW na sila ay inaabuso ng kanilang amo sa ibang bansa at hindi inaksyunan ng kanilang recruitment agencies ay ipakakansela niya ang lisensya ng mga ito.

Kinalampag din ng neophyte senator ang mga ahensya ng gobyerno, partikular ang bagong Department of Migrant Workers (DMW), na paigtingin pa ang mga hakbang sa pagprotekta sa ating mga ‘bagong bayani’.

Iminungkahi pa ng mambabatas na magtalaga sa DMW ng mga dating OFW, psychologists at mga may karanasan na sa pagbibigay ng social services para mas maging epektibo ang pagtulong sa mga kababayan abroad.

Sa ngayon, ayon kay Tulfo tinatayang nasa 1.7 million OFWs ang nasa iba’t ibang bahagi ng mundo. (DANG SAMSON-GARCIA)

96

Related posts

Leave a Comment