(NI BERNARD TAGUINOD)
KAILANGANG kontrolin na ng gobyerno ang online 5-6 na nauuso ngayon sa social media at maraming Filipino ang pumapatol dahil mas mabilis ang pangungutang ito subalit ipinapahiya ang mga nangungutang kapag hindi makabayad sa tamang oras.
Sa press conference nitong Huwebes sa Kamara, sinabi 1PACMAN party-list Rep. Mikee Romero na panahon na para iregulate ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno ang mga aniya’y ‘colorum na 5-6” sa social media.
“The BSP (Bangko Sentrak ng Pilipinas) and the SEC (Securities and Exchange Commission) should go through this.
It has to be regulated. Anything form of lending, it has to go through the proper channels,” ani Romero.
Ayon sa mambabatas, nauuso na ang on-line 5-6 at patok aniya ito sa mga Filipino dahil mas madali na makautang ang mga ito kumpara sa ibang lehitimong lending companies.
“It should be regulated… eh siyempre Pilipino, kung saan mabilis makautang eh dun sila. But of course, we need to regulate this,” ani Romero.
Nagda-download lang ang mga nangangailangan ng pera ng online application upang makautang ang mga ito ng mabilis at walang kahirap-hirap.
Gayunpaman, marami umano sa mga nangungutang ang ipinapahiya sa social media kapag nabigo ang mga ito na makabayad sa tamang oras kaya nagrereklamo ang mga ito.
Hindi naman ito ipinagtaka ni Romero dahil ilegal umano ang mga online 5-6 kaya dapat aniyang aksyunan ito ng BSP at SEC sa lalong madaling panahon para maproteksyunan ang mga mamamayan.
“Kasi iligal siya eh. Those are illegal, colorum ‘yan eh. Wala silang… they are not sanctioned by the BSP, they are not sanctioned by the SEC. So they just put it together, so it’s illegal,” ayon pa sa mambabatas.
185